0

PANDAYAN: Pagsasaling Teknikal

Malugod po kayong inaanyayahan ng Komite sa Wika na dumalo sa isang palihan (workshop)  sa “Pagsasaling Teknikal” sa Nobyembre 18, Lunes, 7:30am-12nn. Ito po ay bahagi ng mga serye ng palihan na may layuning patalakasin ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral sa pananaliksik at publikasyon sa Filipino. Sa unang workshop na ito sa pagsasalin, inaasahang matulungan ang mga interesadong guro at mag-aaral na maisalin ang mga pananaliksik sa iba’t ibang larangan ng edukasyon, mula Ingles tungong Filipino. 
Ang gawain pong ito ay sa pakikipagtulungan ng Sentro ng Wikang Filipino- UP Diliman. Pangungunahan ito nina Dr. Wennielyn Fajilan ng Sentro ng Salin-UST/KWF at Prop. Jayson Petras ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Bagama’t bukas sa iba pang mga interesadong kalahok, prayoridad po sa pagpapatala ang mga guro at mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon. Kalakip po ang pabatid para sa palihan. 

Maraming salamat po at magkita-kita tayo! 

Related Posts