0

DIKSYUNARYONG PAMBATA: Ano ang Bagong Klasipikasyon ng mga Kaso ng COVID-19? | Paano Nilalabanan ang Pandemiyang COVID-19?

Para sa mga magulang,

Masaya naming ibinabahagi sa inyo ang huling pangkat ng mga salita sa aming Diksyunaryong COVID-19 Para sa mga Bata. Ang edisyong ito ay naglalayong maipaunawa sa bawat bata na ang COVID-19 ay pwedeng labanan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.

Narito rin ang mga bagong terminolohiya ayon sa WHO at DOH na ginagamit para sa klasipikasyon ng mga kaso ng COVID-19. Hinihikayat namin kayong talakayin ang mga salitang ito kasama ang pangatlong pangkat ng mga salita (Paano nalalaman kung may COVID-19 ang isang tao?) upang matulungan ang mga batang higit na maunawaan ang prosesong ginagawa upang matukoy ang mga may sakit na COVID-19.

Maaaring ma-download ang kopya ng diksyunaryo sa bit.ly/dictionaryforchildren.

Maraming salamat po!

Jerome T. Buenviaje, Ph.D.
Dean
UP COLLEGE OF EDUCATION
Mayo 2, 2020

Related Posts