Para sa mga magulang,
Ikinatutuwa naming ibahagi sa inyo ang ikatlong pangkat ng mga salita sa aming Diksyunaryong COVID-19 Para sa mga Bata. Ito ay tumatalakay sa mga paraan kung paano nalalalaman sino ang may COVID-19. Higit na kinakailangan ang inyong paggabay upang mas maunawaan ng mga bata ang mga teknikal na salita sa edisyong ito. Bagaman may bagong klasipikasyon ng mga kaso ng COVID-19, nagpasya kaming bigyang kahulugan pa rin ang mga dating terminolohiya dahil patuloy itong ginagamit sa ibang lugar sa ating bansa. Maglalabas ang kolehiyo ng bagong pangkat ng mga salita na tumatalakay sa mga bagong terminolohiya. Maaring madownload ang kopya ng diksyunaryo sa bit.ly/dictionaryforchildren.
Maraming salamat po!
Jerome T. Buenviaje, Ph.D.
Dean
UP COLLEGE OF EDUCATION
Abril 23, 2020