Mariing tinututulan ng UP Kolehiyo ng Edukasyon ang pagpapatupad ng Republic Act 12027 na nagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang midyum ng instruksyon sa Kindergarten hanggang Baitang 3. Paulit-ulit nang pinatunayan ng mga pag-aaral at ng kasaysayan ang bisa at tagumpay ng wikang sarili sa pagkatuto at pagtuturo. Mula pa sa mga rekomendasyon ng Monroe Survey (1925) hanggang sa EDCOM 1 (1991) at iba pang malawakang pag-aaral gaya ng Iloilo Experiment (1958) hanggang sa Lubuagan Experiment (2011), iisa ang resulta at ito ang patuloy na pinaninindigan ng mga guro ng bayan: gamitin ang mga wikang katutubo at wikang pambansa bilang wika ng mapagpalayang edukasyon!
Bawiin ang pagpapatupad ng RA 12027!
Ibatay sa mga saliksik at ebidensiya ang mga polisiya sa edukasyon!
Isulong ang edukasyong mapagpalaya, siyentipiko, at makabansa!
*Basahin ang posisyong papel na inilabas ng UP Kolehiyo ng Edukasyon kaugnay ng isyu noong Pebrero 26, 2020 sa https://bit.ly/EdukPahayagMTBMLE