0

PARANGAL 2024

Tayo na’t bigyang-pugay ang mga Nagsipagtapos ngayong 2024 sa gaganaping Parangal ng UP Kolehiyo ng Edukasyon. Idaraos ito sa ika-31 ng Agosto 2024 sa Cine Adarna, UP Film Institute.

Ang panauhing tagapagsalita ay si Raymond “Mong” Palatino mula sa BSEd Social Studies Batch 2000. Isang aktibong lider-estudyante, naglingkod siya bilang Chairperson ng UP College of Education Student Council noong 1999 at namuno sa University Student Council sa sumunod na taon. Kasama siya sa nagtatag ng Kabataan Partylist at naging kinatawan sa ikalabing-apat at ikalabinlimang Kongreso. 

Taos-pusong pagbati sa mga malay at aktibong Nagsipagtapos ngayong 2024 at mga bagong Guro ng Bayan na tumutugon sa mga hamon ng ngayon at kinabukasan. 

Related Posts