0

Parangal 2023

Bilang pagpupugay sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taong 2023, idaraos ng Kolehiyo ng Edukasyon ang Parangal 2023. Ito ay gaganapin sa GT-Toyota Asian Center Auditorium, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City sa ganap na ika-8 ng umaga sa ika-28 ng Hulyo 2023.

Ang Panauhing Tagapagsalita para sa Parangal 2023 ay si Dating Pangalawang Pangulo Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo na kasalukuyan ay Tagapangulo ng Angat Pilipinas, Inc. Ang Angat Pilipinas, Inc. ay isang grupo na nagpapatupad ng mga proyektong pang-komunidad at iba pang gawain sa iba’t ibang isyu kabilang na ang edukasyon.

Iniimbitahan namin kayong samahan kami para sa pagpupugay na ito para sa ating mga bagong guro ng bayan na magiging kaagapay sa pagbangon at pagsulong ng mapagpalayang edukasyon.

Related Posts